Maliksi mabigat ang mga kalaban
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mga mahuhusay na marksmen ang mag-aagawan para sa titulo ng Three-Point King sa 2018 All-Star weekend.

Sasabak sa kompetisyon ang mga dating kampeon na sina Terrence Romeo ng TNT Katropa at James Yap ng Rain or Shine para hamunin ang nagdedepensang si Allein Maliksi ng Blackwater.

Nakamit ni Maliksi ang korona noong nakaraang taon sa Lucena City matapos ungusan ng dating UST stalwart sina LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Romeo mula sa pagkonekta sa huling money ball sa finals.

Bukod kina Romeo at Yap, ang iba pang magtatangkang agawan ng korona si Maliksi ay sina Marcio Lassiter (San Miguel), Matthew Wright (Phoenix), Paul Lee (Magnolia), JVee Casio (Alaska), Larry Fonacier (NLEX), Stanley Pringle (Globalport) at Ronald Tubid (Columbian Dyip).

Si Niño Canaleta ng Meralco ang pumalit naman sa may injury na si Garvo Lanete.

Ang three-point shootout side event ay isasabay sa slam dunk contest at obstacle course sa Mayo 25 sa Batangas City na gagawin sa second leg ng All-Star week.

Hangad naman ni Romeo na mabawi ang korona na kanyang isinuot noong 2015 at 2016 bago inagawan ng titulo ni Maliksi sa sumunod na taon.

Isa si Romeo, ang UAAP MVP ng  FEU, sa limang players na nanalo ng 3-Point Shootout title ng dalawa o higit pa.

Ang iba pa ay sina Mark Macapagal (2010-2012 at 2014), Jimmy Alapag (2003 at 2005), Boyet Fernandez (2000 at 2001), Jasper Ocampo (1998 at 1999) at ang namayapang si RicRic Marata (1994 at 1996).    

2018 ALL-STAR ALLEIN MALIKSI JAMES YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with