Si Philippine Swimming League president Susan Papa kasama sina (mula sa kanan) Micaela Jasmine Mojdeh, Joana Amor Cervas at Lucio Cuyong II.
Kuha ni Chris Co
Mojdeh sinikwat ang MOS award sa Shanghai Invitational swimfest
BRepizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2018 - 12:00am

SHANGHAI, China — Nasungkit ni Palarong Pambansa Most Beme­dalled Athlete Micaela Jasmine Mojdeh ang Most Out­standing Swimmer award matapos makakuha ng pinakamataas na FINA points sa 2018 Shanghai Invitational Swimming Championships sa Oriental Sports Center dito.

Nakapagtala ang reig­ning Philippine Swimming League (PSL) Swimmer of the Year ng 557 puntos nang kubrahin ang gintong me­dalya sa 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 27.97 segundo sa girls’ 11-12 division.

“It’s her first time to win a Most Outstanding Swim­mer award through FI­NA points and she got it by beating tall and older op­ponents from different countries. We’re so proud of her,” pahayag ni PSL pre­sident Susan Papa.

Tatlong gintong me­dalya ang nakamit ni Mojdeh sa torneong nilahukan ng mahigit 1,200 tankers mu­la sa 30 bansa.

Maliban sa kanyang gin­to sa 200m butterfly ay nangibabaw din si Moj­deh sa 100m butterfly (1:07.25) at 50m butterfly (30.62) upang lubos na paning­ningin ang kanyang kampanya sa torneo.

Kasama rin sa delegas­yon sina Aklan Swimming Team standouts Lucio Cu­yong II (boys’ 14-year) at Joana Amor Cervas (girls’ 11-12) na humirit ng me­dalya sa kani-kanilang ka­tegorya.

Nakasungkit ang Indian Ocean All-Star Challenge me­dalist na si Cuyong ng da­lawang pilak sa 200m breaststroke (2:43.00) at 50m breaststroke (32.85), at tanso naman sa 100m breaststroke (1:16.00).

Nagdagdag ng isang tanso si Cervas, beterano ng Japan Age-Group Swimming Championship sa 100m butterfly (1:25.74).

“Hopefully next time we’ll be able to send more swimmers to compete here. It’s a good exposure for our swimmers be­cause they’ll be competing against Chinese, Singaporeans, Europeans and some Americans,” dagdag ni Papa.

2018 SHANGHAI INVITATIONAL SWIMMING CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with