Sina PSL president Su­san Papa at Micaela Jasmine Mojdeh na umani ng tatlong gintong medalya sa 2018 Shanghai Invi­tational Swimming Championships sa Shanghai, Chi­na.
Kuha ni Chris Co
Tatlong ginto winalis ni Mojdeh sa China Meet
BRepizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2018 - 12:00am

SHANGHAI, China — Nakumpleto ni Phi­lippine Swimming League (PSL) Swimmer of the Year Mica­ela Jasmine Mojdeh ang sweep matapos sumisid ng dalawang gintong me­dalya sa huling araw ng 2018 Shanghai Invitational Swimming Championships na ginaganap sa Oriental Sports Center dito.

Ipinagpatuloy ng Pala­rong Pam­bansa Most Be­me­dalled Athlete ang kan­yang dominasyon nang pag­rey­nahan ang girls’ 11-12 100m butterfly sa pamamagitan ng isang minuto at 7.25 segundong tiyempo sapat upang muling dispa­tsahin si Amber Lim ng Chi­na na nagrehistro ng 1:17.77 para sa pi­lak.

Napasakamay naman ni Kalibo, Aklan pride Joana Amor Cervas ang tanso ta­ngan ang 1:25.74 sa torne­ong nilahukan ng 1,200 tan­kers mula sa mahigit 30 bansang dumating.

“She really is the future of Philippine swimming. She has already embraced the responsibility of car­rying the na­tional colors in in­ternational competitions. That’s why we’re sending our athletes abroad to further hone their skills and learn from their foreign counterparts,” wika ni PSL pre­sident Susan Papa.

Ngunit hindi dito natapos ang pamamayagpag ng 11-anyos na tanker nang muling umatake sa 200m butterfly kung saan nag­sumite siya ng 2:27.97 pa­ra patumbahin ang mas matatangkad na Chinese swimmers.

Nauna nang nagbulsa si Mojdeh ng gintong me­dalya sa 50m butterfly sa kanyang 30.62 segundong ipinamalas sa opening day.

“It was a great performance and we’re loo­king forward to train her for the Southeast Asian Age-Group Cham­pionship come July in Manila. She’s qua­lified to compete in the SEA Age-Group because of her sterling showing in Pa­larong Pambansa,” dagdag pa ni Papa.

Nakahirit ng isang pilak at isang tanso si Lucio Cu­yong sa boys’ 14-year event.

Sumegunda si Cuyong sa 200m breaststroke sa bisa ng 2:43.00 na naitala, ha­bang pumangatlo naman siya sa 100m breaststroke makaraang ilagak ang 1:16.00.

Sa kabuuan, nakalikom ang PSL ng tatlong ginto, da­­lawang pilak at dalawang tansong medalya.

“We’re happy that we’ll be going home with medals. All three of them won medals in their respective events and I would like to congratulate them for a job well done. Competing against the likes of China and some other European swimmers in this event is al­ready an achievement for them. But winning medals is just an icing on the cake,” wika pa ni Papa na kasama sa delegasyon sina PSL sec­retary general Maria Su­san Benasa at regional di­­rector Joan Mojdeh.

MICA­ELA JASMINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with