Giyera ng F2 Logistics, Petron simula na

(Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisimulan ang umaatikabong aksiyon ngayong gabi sa paglarga ng Game 1  na bakbakan ng F2 Logistics at Petron sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals series sa Smart Araneta Coliseum.

Hahataw ang matinding paluan sa alas-7 ng gabi matapos ang engkuwentro ng Foton at Cocolife sa battle-for-bronze match sa alas-4:15 ng hapon.

Walang ibang hangad ang Cargo Movers kundi ang maipagtanggol ang kanilang korona.

At aminado si F2 Logistics head coach Arnold Laniog na hindi ito magi­ging madali dahil determinado ang Petron na makaresbak sa pagkakataong ito.

Magugunitang pinataob ng Cargo Movers ang Blaze Spikers sa ben­disyon ng 2-1 panalo sa best-of-three series noong nakaraang taon.

“The mindset of the players is to defend the title. I’m telling the players that they are the reigning champions and everybody is looking to beat them. So they have to show up prepared and ready to win because their pride as Grand Prix champions is at stake,” ani  Laniog.

Magiging armas ng F2 Logistics ang magandang sistema nito na binuo ni coach Ramil De Jesus.

Pasok na pasok na sa sistema sina reinforcements Maria Jose Perez ng Ve­nezuela at Kennedy Bryan ng Amerika na gamay na ang laro sa Pilipinas. (CCo)

F2 LOGISTICS PETRON PHILIPPINE SUPERLIGA SMART ARANETA COLISEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with