^

Moala suspendido na, pagmumultahin pa

RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m.  Meralco vs Globalport

7 p.m.  Alaska vs Rain or Shine

MANILA, Philippines — Si Moala Tautuaa ng Globalport ang unang player na pinatawan ng suspensyon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Kahapon ay binigyan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang 6-foot-8 Fil-Tongan ng one-game suspension bukod pa ang multang P35,000 dahil sa pagsipa sa mukha ni TNT Katropa import Jeremy Tyler sa kanilang laro noong nakaraang Linggo.

Sa kanyang two-han­ded slam dunk ay lumambitin si Tautuaa sa ring kung saan hinawakan naman ni Tyler ang paa ng Batang Pier power forward.

Bukod kay Tautuaa, pi­nag­multa rin ng PBA ng tig-P5, 000 sina reinforcement Malcolm White at rookie Joseph Gabayni ng Globalport, Allein Maliksi ng Blackwater at Don Trollano ng TNT Katropa dahil sa kanilang flagrant foul penalty 1.

Wala pang desisyon si Marcial tungkol sa maanghang na pahayag ni Tropang Texters star guard Terrence Romeo laban sa mga referees sa kanilang 128-114 paggiba sa Batang Pier.

Samantala, target ng Meralco ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Globalport ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang laro ng Alaska at Rain or Shine sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Bolts ng 116-103 tagumpay laban sa Columbian Dyip noong Miyerkules kung saan kumolekta si 6-foot-9 balik-import Arinze Onuaku ng 30 points, 19 rebounds at 4 blocks.

“They are a big, strong team so we must control our defensive boards and limit their second chance points,” ani Meralco coach Norman Black sa Globalport.

Maliban kay Onuaku, muli ring sasandalan ng Meralco sina Chris Newsome, Niño Canaleta, Jared Dillinger, Cliff Hodge at Baser Amer habang sina White, Stanley Pringle, Sean Anthony at Kelly Nabong ang sasandalan ng Globalport.

Sa ikalawang laro, ihaharap ng Aces si import Antonio Campbell laban kay Reggie Johnson, mas malaki at mas malapad pa kay Beau Belga ng Elasto Painters.

MOALA TAUTUAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with