^

PSN Palaro

F2 at Petron itatakda ang title series

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepen­sang F2 Logistics at Petron na maisaayos ang kanilang paghaharap sa Finals sa pag­larga ng Game Two ng kani-kanilang best-of-three semifinal series sa Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Titipanin ng Cargo Mo­vers ang two-time champion na Foton Tornadoes nga­­yong alas-4:15 ng ha­pon at makakala­ban ng Blaze Spikers ang Cocolife sa alas-7 ng gabi.

Parehong nakauna ang F2 Logistics at Petron sa kanilang mga serye.

Itinarak ng Cargo Mo­vers ang 25-22, 25-23, 22-25, 25-22 panalo laban sa Tornadoes noong Martes sa likod nina imports Ken­ne­dy Bryan at Mari Jose Perez.

Humataw si Bryan ng 12 attacks at tatlong blocks at nakalikom naman ng 14 markers ang reigning MVP na si Perez na nagawa nila sa tulong ni playmaker Kim Fajardo na may 31 excellent sets.

“Malakas talaga ang Fo­ton. Nagtiwala lang kami sa game plan na inihanda namin for them. Hopefully mas maging maganda laro na­­min sa Game Two,” ani Fajardo.

Hindi sapat ang pagba­balik ni Jaja Santiago sa Foton para dalhin ang tropa sa panalo.

Nagpasabog ng 22 puntos si import Channon Thompson at 15 galling kay Elizabeth Wendel.

Mayroon ring 10 mar­kers si Santiago at siyam naman buhat kay Dindin Ma­nabat.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PETRON

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with