Mag-utol na Laurente asam ang Finals seat
(Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng dalawang ba­gitong Pinoy pugs na ma­kahirit ng tiket sa finals sa 2018 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Indoor Sta­dium of Huamark sa Bangkok, Thailand. 

Susuntok ang magka­patid na sina Children of Asia gold medallist Criztian Pitt Laurente at Criz Russu Laurente sa kani-kanilang se­mis matches.

Kinakailangan ng Lau­rente brothers na ibuhos ang lahat ng alas dahil ma­kakalaban ng dalawa ang hometown bets.

Titipanin ni Criztian Pitt si Thakhui Noppharat ng Thailand sa boys’ bantamweight (56 kg.) division at sa­sagupain ni Criz Russu si Panmod Thitisan sa boys’ light flyweight (46-49 kg.).

Galing si Criztian Pitt sa first-round referee-stopped contest win kay Bang Non ng Cambodia, habang tinalo naman ni Criz Russu si Shagolshem Barun Singh ng India via 4-1 unanimous decision win.

Sa pagpasok sa semis ay nakasisiguro na sina Criztian Pitt at Criz Russu ng tansong medalya.

Bigo namang umusad si Milenino Anduyan nang matalo kay Kholmurodov Samandar ng Uzbekistan sa quarterfinals ng boys’ flyweight (52 kg.). (CCo)

2018 ASBC ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS PINOY PUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with