^

PSN Palaro

Petron Spikers nangangamoy Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petron Spikers nangangamoy Finals
Hinatawan ni Katherine Bell ng Petron si Marta Drpa ng Cocolife.

Laro Bukas The Arena

4:15pm F2 vs Foton

7pm Petron vs Cocolife

MANILA, Philippines — Hinarang ng Petron ang paghahabol ng Cocolife sa huling sandali ng laro tungo sa 25-18, 23-25, 25-16, 25-23 desisyon upang makalapit sa inaasam na puwesto sa finals ng Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang inilatag ng Blaze Spikers sa pangunguna nina American imports Katherine Bell at Lindsay Stalzer para hablutin ng tropa ang 1-0 kalamangan sa best-of-three semifinal series.

Maganda ang debut ni Bell na agad na nagpasiklab matapos humakot ng 31 puntos mula sa 27 attacks, dalawang aces at dalawang blocks.

“I just give my all for my team. I want to help them this semis. The girls are so welcoming and I’m enjo­ying my stay here. So far, so good,” wika ng 6-foot-1 na dating University of Texas standout.

Ngunit hindi pa ito ang tunay na laro ni Bell dahil tiniyak nitong may ilalabas pa siya sa susunod na laban ng Blaze Spikers.

“I’m just coming along. It’s not my game yet. Hopefully more aces and less errors (in my next game),” dagdag ni Bell na siyang pumalit kay American open hitter Hillary Hurley na may iniindang injury.

Umabante ang Blaze Spikers sa attack line nang magpakawala ito ng 63 kills laban sa 55 ng Asset Ma­nagers sa larong tumagal ng isang oras at  51 minuto.

May walong blocks din ang Petron, lamang ng lima sa nagawang tatlo ng Cocolife habang parehong may walong aces ang dalawang tropa.

Nakakuha pa ng lib­reng 19 puntos ang Blaze Spikers mula sa errors ng Asset Managers.

Kampante na ang Petron sa fourth set bitbit ang 22-17 kalamangan.

Ngunit unti-unting lumapit ang Cocolife matapos kumana si Mary Jean Balse ng cross court hit kasunod ang drop shot ni Serbian import Marta Drpa para sa 19-22.

Dinala ni Stalzer sa match point ang laban, 24-20 mula sa kanyang off-the-block spike.

Subalit hindi pa rin na­walan ng pag-asa ang Asset Managers makaraang umariba si Sara Klisura na sinundan ng ace ni Drpa para sa 23-24.

Naipanalo naman ni Petron setter Rhea Dimaculangan ang joust laban kay Klisura para makuha ng Blaze Spikers ang panalo.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with