Alab Pilipinas kukunin ang Game 2 vs Thailand
Laro Ngayon (Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta. Rosa, Laguna)
8 p.m. Alab Pilipinas vs Mono Vampire Thailand
MANILA, Philippines — Asam ng San Miguel-Alab Pilipinas ang malaking 2-0 bentahe kontra sa Mono Vampire Thailand ngayon sa Game 2 ng best-of-five championship series ng 2017-2018 ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.
Matapos ang kanilang 143-130 overtime panalo sa Game 1 noong Linggo, paborito ang tropa ni coach Jimmy Alapag na muling magwagi sa kanilang pagtatagpo sa alas-8 ng gabi.
Ngunit, para naman kay Mono Vampire coach Douglas Marty, hindi pa tapos ang laban at gagawa sila ng adjustments para maiwasan ni 7’5 Sam Deguara ang foul trouble at manatili ang kanilang dominasyon sa key area at sa rebound department.
Sa Game 1, nakapaglaro lamang ng 19 minuto si Deguara dahil sa foul trouble, ngunit umani pa rin ito ng 21 puntos, 11 rebounds at apat na blocks para sa Thailand team.
“We missed Sam (Deguara) very badly in the overtime that’s why they (Alab) dominated the rest of the game. Sam is an anchor on both ends for us; he showed a lot of good things in this game. He is going to be a key factor for the next game. I saw a lot of positives from Sam. He’s a handful for teams when he is in that key,” sabi ni Marty.
Muling sasandalan ni coach Alapag ang tambalang Justin Brownlee at Renaldo Balkman na humataw ng todo sa overtime period sa Game 1.
Target ng tropa ni Alapag ang pang-apat na titulo ng Pilipinas sa ABL kabilang na ang dalawa ng Philippine Patriots noong 2009 at 2010 at ang ikatlo ay sa San Miguel Beermen noong 2013 upang maging ika-tatlong Pilipino team na nagkampeon sa liga.
- Latest