^

PSN Palaro

Brownlee inakay ang Alab-Pilipinas sa Game 1

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang San Mi­guel-Alab Pilipinas ng 22 puntos sa overtime para maungusan ang Mono Vampire Thailand  tungo sa 143-130 panalo sa Game 1 ng best-of-five championship series ng 2017-2018  ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex noong Linggo ng gabi sa Sta. Rosa, Laguna.

Umalagwa si Justin Brownlee ng playoff record 46 puntos kabilang na ang sampu sa overtime period para iposte ang 1-0 bentahe sa serye at ikatlong panalo kontra sa Mono Vampire kabilang na ang dalawa sa elimination round.

Si Brownlee, ang resident import ng Barangay Ginebra ay kapos lamang ng isang assist para sa triple-double matapos umani ng 11 rebounds at siyam na assists para sa panalo ng Alab Pilipinas.

Target ni head coach Jimmy Alapag ang 2-0 bentahe sa serye sa kanilang muling paghaharap bukas sa Game 2 sa parehong venue sa alas-8 ng gabi bago lilipat ang serye sa home court ng Thailand ngayong Sabado.

Tumulong din si Renaldo Balkman ng 39 puntos at 15 rebounds kabilang din ang game tying follow-up sa mintis ni Brownlee sa free throw line para itabla ang laro, 121-121  at humirit ng five-minute extension.

Nagkaroon na rin ng maluwag na depensa ang Mono Vampire matapos makamit ni 7’5 Sam Deguara ang kanyang pang-limang foul kaya wala ng hadlang sa arangkada ng tropa ni Alapag sa overtime period at maitala ang pinakamataas ring 143-130 score sa kasaysayan ng liga mula 2009.

Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamaraming titulo sa ABL sa kabuuang tatlo kabilang na ang dalawa ng Philippine Patriots noong 2009 at 2010. Ang huli ay sa San Miguel Beermen nina June Mar Fajardo at Asi Taulava noong 2013 kaya gusto ni Alapag na maging ikatlong Pilipino team na nagkampeon sa liga.

vuukle comment

MONO VAMPIRE THAILAND

SAN MI­GUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with