^

PSN Palaro

Romeo mapapalaban na sa dating team

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - Blackwater vs. Columbian Dyip (Kia)

6:45 p.m. TNT vs Globalport

MANILA, Philippines — Mag-aagawan ang apat na koponan sa u­nang panalo sa pagdribol ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Blackwater at Columbian Dyip, dating Kia, ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang inaabangang salpukan ng TNT Katropa at Globalport sa alas-6:45 ng gabi.

Kaagad makakasagupa ni Terrence Romeo ang kanyang dating koponang Batang Pier at si coach Pido Jarencio matapos ang pakikipag-trade ng Tropang Texters.

“Nagulat ako na sila pa ‘yung makakalaban ko. Ganoon talaga, ito ‘yung buhay ng PBA player kaya kailangan naming mag-ready, especially ako ga­ling ako sa injury tapos wala akong gaanong mga scrimmages,” ani Romeo sa naunang panayam.

Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang pagbibigay ng Globalport kay Romeo sa TNT Katropa kasama si center Yousef  Taha kapalit ni  2015 No.1 overall pick Moala Tautuaa at ang first round pick at second round pick sa 2020 at 2021 PBA Draft, ayon sa pagkakasunod.

Naglaro lamang si Romeo sa huling dalawang asignatura ng Batang Pier sa PBA Philippine Cup dahil sa kanyang knee injury.

Makakasama rin ni Romeo sa TNT Katropa si Gilas Pilipinas teammate Jayson Castro.

Gagabay sa Tropang Texters si import Jeremy Tyler, isang dating NBA player na naglaro para sa Golden State Warriors, Atlanta Hawks at New York Knicks, katapat si balik-import Malcolm White ng Batang Pier.

Sa unang laro, ipaparada ng Elite si 6-foot-11 Jarid Famous, dating naglaro para sa Globalport noong 2015, laban kay CJ Aiken ng Columbian Dyip.

Samantala, isa sa mga bagay na napag-usapan ng PBA Board sa halos tatlong oras nilang pagpupulong ay ang partisipasyon ng professional league sa FIBA 3x3 World Cup na nakatakda sa Hunyo 8-12 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, kumakatawan sa Meralco sa PBA Board, ihahayag ang Phi­lippine lineup bago matapos ang buwan kasabay ng pagpangalan sa head coach.

Idinaos ang pulong ng PBA Board sa Marco Polo Hotel sa Hong Kong noong Huwebes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with