Malayo pa sa pagreretiro si Manny Pacquiao.
OSMP/Wendell Alinea
Pacquiao malayo pa sa pagreretiro
(Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2018 - 4:12pm

MANILA, Philippines – Kahit marami na ang nananawagan para sa kaniyang pagreretiro, hindi ito pinapansin ng eight-division champion Manny Pacquiao.

Sinabi ni Pacquiao na kaya pa niyang lumaban pagkatapos niyang makabangga si WBA welterweight champion Lucas Matthysse.

“I think that I still have a couple more fights before I retire,” wika ni Pacquiao kay Carlos Costa ng Philboxing.com.

Magtutuos sina Pacquiao at Matthysse sa Hulyo kung saan ito ang ika-69 na laban niya bilang professional boxer.

Aniya nais niyang gawin ang huling laban sa harap ng kaniyang mga kababayan.

“I want my last fight to be in the Philippines,” wika ni Pacquiao na isang senador.

“I feel that all Filipinos will support my fight because even if we have our differences, the Filipino people are united when it's a moment of supporting honor for our country,” dagdag niya.

Napag-usapan na dati ang pagsasagawa ng laban dito sa Pilipinas ngunit nilinaw ng gobyerno na hindi nila ito popondohan.

 

BOXING MANNY PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with