^

PSN Palaro

San Sebastian, Zark’s Burgers ikinasa ang finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes(Pasig Sports Center

4 p.m. Zark’s Burger vs Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian

MANILA, Philippines — Umiskor si Jeff Viernes ng step-back jumper mahigit 19 segundo na lang ang natitira para iangat ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa 93-90 panalo kontra sa Akari-Adamson Falcons at walisin ang best-of-three semifinal series ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naiwanan ng 19 puntos ang tropa ni coach Stevenson Tiu, ngunit nakumpleto nila ang big rally para sa come-from-behind panalo at masungkit ang finals slot.

Tumapos si Viernes ng 17 puntos na may kasamang pitong rebounds at anim na assists at sapat na ‘yun para makapasok sa finals.

“Yun ang inaasahan namin sa mga veterans. Ganoong game na kaila­ngan ng leadership. Kahit anong sama ng laro ni Jeff (Viernes), siya pa rin ang nagdadala sa dulo,” sabi ni Che’Lu coach Tiu.

Bukod kay Viernes, umani rin ng 16 puntos si Allyn Bulanadi habang si Cedric Ablaza ay tumulong ng 15 at walong rebounds at 14 puntos mula kay Michael Calisaan.

“Alam namin  na babalik sila. We have to work per possession. Di mababawi ng isang iglap lang. Maganda rin dahil napababa ng single digits noong halftime,” dagdag pa ni Tiu.

Pinangunahan ni Sean Manganti ang top seed Akari-Adamson sa kanyang 29 puntos, anim na rebounds at tatlong steals at 12 naman ang nagawa ni Jonathan Espeleta.

Makakaharap ng Che’Lu ang Zark’s Burger-Lyceum na nakumpleto ang cinderella run matapos sibakin ang Marinerong Pilipino sa iskor na  102-89 sa kanilang sariling semis series.

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with