Arum kay Pacquiao: Talunin si Mathyssee
(Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangan ni Manny Pacquiao na talunin si Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur para matuloy ang laban niya kay Vasyl Lomachenko.

“If he wants to fight (Vasyl) Lomachenko, he better win this fight,” wika ni American promoter Bob Arum.

Sa Disyembre ay magiging 40-anyos na si Pacquiao, nagkampeon sa walong weight divisions, ngunit tila wala pa siyang balak magretiro.

Nakatakdang hamunin ng fighting senator si Matthysse ng Argentina para sa suot nitong WBA welterweight belt.

Sinabi ni Arum na hindi magiging madali ang laban ni Pacquiao kay Matthysse.

“He didn’t look so great in his last few fights and he lost the last one,” wika ni Arum kay Pacquiao.

Naipatalo ni Pacquiao ang apat sa huli niyang siyam na laban, simula  ng controversial loss kay Tim Bradley kasunod ang knockout kay Juan Manuel Marquez noong 2012.

Umiskor siya ng panalo laban kina Brandon Rios, Chris Algieri, Bradley at Jessie Vargas bago natalo kina Floyd Mayweather Jr. noong 2015 at Jeff Horn noong Hulyo sa Brisbane.

Kung mananalo si Pacquiao kay Matthysse ay maitatakda ni Arum ang kanyang paghahamon kay Lomachenko bago matapos ang taon.

“Well, they’re all important now,” sabi ni Arum. “This will be a competitive fight.

LUCAS MATTHYSSE MANNY PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with