Alab Pilipinas lalapit sa Finals
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon(Southorn Stadium, Wan Chai, Hong Kong)

8 p.m. San Miguel-Alab Pilipinas   vs Hong Kong Eastern Lions

MANILA, Philippines — Sa unang pagkaka­taon, makakaharap nina Renaldo Balkman at Jus­tin Brownlee ng San Miguel-Alab Pilipinas ang nagdedepensang Hong Kong Eastern Lions ngayon sa Game 1 ng best-of-three semifinal series ng 8th ASEAN Basketball League sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Ito na rin ang panahon na makabawi ang Alab Pilipinas sa dalawang talo nito sa mga kamay ng Hong Kong Lions sa elimination round sa kanilang pagtatagpo sa alas-8 ng gabi.

Hangad din ni head coach Jimmy Alapag na malampasan ang kanilang semifinal finish noong naka­raang taon kung saan winalis sila ng Singapore Slingers, 0-2.

Sa iba pang semis match, maghaharap din ang top seed Chong Son Kungfu ng China at No. 4 seed Mono Vampire ng Thailand sa  homecourt ng Chinese team.

Dalawang beses ini­lam­paso ng Hong Kong ang Alab Pilipinas sa elimination round, ang una ay 92-89, sa Mall of Asia Arena at ang ikalawa ay 99-96 sa homecourt ng Eastern Lions.

Sa panahong iyon, hindi pa sina Balkman at Brownlee ang imports ng Alab kundi sina Ivan Johnson at Reggie Okosa kung saan nag-umpisa ang tropa ni Alapag sa mahinang 1-4 win-loss kartada.

“It’s gonna be a show.  Just like every day, every night. We go out and give a show for the fans. It’s gonna be a good one. They haven’t seen us yet, it will be our first time playing them, their first time playing us,” sabi ng 33-anyos na si Balkman ng Puerto Rico.

8TH ASEAN BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with