Spurs lumakas ang tsansa sa playoff spot
(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2018 - 12:00am

SAN ANTONIO — Umiskor si center LaMarcus Al­dridge ng 28 points para akayin ang Spurs sa 116-105 pa­nalo laban sa Portland Trail Blazers.

Tinapos ng San Antonio (46-34) ang isang two-game losing skid para makatabla sa Oklahoma City Thunder at New Orleans Pelicans sa fifth place sa Western Confe­rence sa ilalim ng Utah Jazz.

Maaaring kunin ng Spurs ang playoff spot kung ma­nanalo sa Sacramento Kings sa Lunes.

Nag-ambag naman si veteran guard Manu Ginobili ng 17 points para sa San Antonio mula sa kanyang perpektong 7-for-7 fieldgoal shooting.

Ang back-to-back three-point shots at right-handed layup ni Ginobili ang nagbi­gay sa Spurs ng 101-89 ben­tahe sa Trail Blazers.

Nalasap naman ng Portland (48-32) ang ka­nilang ikatlong sunod na ka­biguan at napakawalan ang tsansang makamit ang home-court advantage sa first round.

Kumamada si Damian Lillard ng 33 points para sa Trail Blazers kasunod ang 18 markers ni Evan Turner.

Nagdagdag si C.J. McCollum ng 17 points.

Sa New York, naglista si guard Eric Bledsoe ng 22 points at 10 assists at lu­mapit ang Milwaukee Bucks sa pagtabla sa sixth place sa Eastern Confe­rence mula sa 115-102 panalo laban sa Knicks.

Umiskor din si Khris Middleton ng 22 points para sa Bucks, nakasama ang Miami Heat sa parehong 43-37 record.

Naglaro ang Milwaukee na wala si All-Star Giannis Antetokounmpo na may sore right ankle.

Tumipa naman si Jarrett Jack ng 18 points at humakot si Kyle O’Quinn ng 15 points, 16 rebounds at 5 assists sa panig ng New York, tinalo ang Miami, 122-98, noong Biyernes.

LAMARCUS AL­DRIDGE PORTLAND TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with