Matthysse malaki ang respeto kay Pacquiao
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Argentinian world welterweight king Lucas Matthysse na isang malaking karangalan ang makalaban ang isang bo­xing legend na kagaya ni Manny Pacquiao.

Ngayon pa lamang ay hindi na siya makapaghintay na makasabayan ang Filipino world eight-division champion.

“I feel happy, it’s very exciting to fight Manny Pacquiao, a boxing legend. For me, as an athlete it’s very big to face a monster like him, to enter the ring with him,” sabi ni Matthysse kay Pacquiao.

Itataya ni Matthysse (39-4-0, 36 KOs) ang kan­yang WBA wel­terweight crown laban kay Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) sa Hul­yo 15 sa 16,000-seater na Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Wala pang WBA title na napapanalunan ang 39-anyos na si Pacquiao sa kanyang koleksyon ng mga championship belts.

Nakuha ng 35-anyos na si Matthysse ang bakanteng WBA title via eighth-round knockout win laban kay Teerachai Kratingdaeng Gym ng Thailand sa The Forum sa Inglewood, Ca­lifornia noong Enero.

Ang Argentinian super­star ay sasanayin ni vete­ran trainer Joel Diaz.

Si Diaz ang trainer ng re­tirado nang si dating WBO welterweight titlist Ti­mothy Bradley, Jr. na tu­malo kay Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, 2012.

FILIPINO WORLD EIGHT-DIVISION CHAMPION LUCAS MATTHYSSE MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with