Tinirahan ni Terrence Fortea ng Batang Gilas si Wong T. M  ng Malaysia. Fiba.com

Batang Gilas wagi sa Malaysia
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:00am

Laro bukas

11 a.m. Philippines vs Australia

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Batang Gilas ang hamon ng Malaysia bago itakas ang 62-57 desisyon upang masungkit ang pambuenamanong panalo kahapon sa FIBA Asia Under-16 Cham­pionship na ginaganap sa Foshan Lingnan Mingzhu Gymnasium sa Foshan, China.

Bumandera sa ratsada ng Pinoy squad si John Terrence Fortea na kumulekta ng 15 puntos at siyam na rebounds habang nagparamdam ng lakas si 7-foot-1 center Kai Sotto nang bumanat ito ng double-double na 12 points at 16 rebounds kasama pa ang apat na blocks.

Naasahan din ng Batang Gilas si Raven Angelo Cortez na naglista naman ng 12 points, 12 rebounds at dalawang steals samantalang nagdagdag si Recaredo Christian Calimag ng walong puntos at anim na rebounds.

Mabagal ang simula ng Batang Gilas na kumana lamang ng tatlong puntos na kalamangan matapos ang unang dalawang kanto.

Subalit nag-init ang Pinoy cagers sa second half nang kubrahin nito ang 13 puntos na kalamangan na tinuldukan ng layup ni Cortez para sa 59-46.

Nagawa itong tapyasin ng Malaysia sa limang puntos bunsod ng umaatikabong tres na pinakawalan ni John Tang sa huling tatlong minuto ng laban.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ng Malaysia nang humarurot ang Batang Gilas at matamis na kunin ang panalo.

Nanguna para sa Malaysians si Tang na nakalikom ng 17 puntos.

Umangat sa 1-0 ang Pilipinas sa Group B habang nahulog sa 0-1 ang Malaysia.

Ang mangungunang koponan sa Group B ay awtomatikong uusad sa quarterfinals habang ang dalawang susunod na tropa ay mahuhulog sa playoff round.

Nasa Group A ang China, New Zealand at Hong Kong habang nasa Group C ang Iran, Chinese-Taipei at Macau at Group D ang South Korea, Japan, Lebanon at India.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with