Pinanood na lang ni Ivan Rabb ng Grizzlies ang pa-layup na si Damian Lillard ng Blazers.

Blazers pasok na sa playoffs
(Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:00am

PORTLAND, Oregon — Tumapos si Damian Lillard na may 27 points at 9 assists at nalampasan ng Trail Blazers ang paghahabol ng Memphis Grizzlies para tangayin ang 113-98 panalo.

Inangkin ng Portland ang kanilang pang-limang sunod na playoff spot matapos manaig ang Utah Jazz laban sa Minnesota Timberwolves.

“It feels great to be able to get it done early this year,” sabi ni Lillard.

Nagdagdag si CJ McCollum ng 20 points at 9 assists para sa Trail Blazers, patuloy na hinahawakan ang third place sa Western Conference sa nalalabing limang laro sa regular season.

Naipanalo ng Portland ang apat sa kanilang huling limang laban.

Pinamunuan naman ni rookie Dillon Brooks ang Memphis mula sa kanyang 28 points.

Kinuha ng Trail Bla­zers ang 103-80 abante sa fourth quarter bago naghulog ang Grizzlies ng 13-0 bomba tampok ang jumper ni Brooks sa huling 4:19 minuto para sa kanilang 10-point deficit.

Ang basket ni Marquis Teague' ang naglapit sa Memphis sa walong puntos kasunod ang back-to-back three-pointers nina Evan Turner at Al-Farouq Aminu para muling ilayo ang Portland sa 113-95 sa huling 1:12 minuto.

Sa  Minneapolis, naglista si guard Ricky Rubio ng 23 points at season-high na limang 3-pointers para tulungan ang Jazz sa 121-97 paggupo sa Timberwolves.

Nagdagdag si rookie Donovan Mitchell ng 21 points para ungusan ng Utah ang Minnesota sa sixth place sa Western Confe­rence.

Sa Denver, kumamada si Nikola Jokic ng 35 points at 13 rebounds habang humugot si Jamal Murray ng 18 sa kanyang 27 points matapos ang third quarter para igiya ang Nuggets sa 128-125 overtime win laban sa Milwaukee Bucks.

Tumapos si Paul Millsap na may 26 points at 13 rebounds para sa Denver.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with