^

PSN Palaro

Lady Eagles may misyon sa Falcons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta)

2pm UST vs NU

4pm ADMU vs ADU

MANILA, Philippines — Puntirya ng Ateneo de Manila University ang importanteng panalo laban sa Adamson University upang makadikit sa inaasam na Final Four slot sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Lady Eagles at Lady Falcons sa alas-4 habang magpupukpukan ang National University at University of Santo Tomas sa alas-2.

Kasalukuyang may 7-3 baraha ang Ateneo habang naghahabol din ang A­damson na makalikom ng panalo para mapaganda ang kanilang 5-5 baraha.

Hawak naman ang Lady Bulldogs ang 6-4 marka samantalang may 3-7 ang Tigresses na na­nga­nganib masibak sakaling lumasap pa ito ng kabiguan.

Galing ang Ateneo sa impresibong 25-14, 18-25, 25-13, 25-18 panalo sa University of the East kung saan nagpasiklab si Filipino-Canadian open hitter Kat Tolentino na humataw ng 22 puntos.

Malaki rin ang kontribusyon nina Jhoana Maraguinot na naglista ng 16 puntos, team captain Maddie Madayag na kumana ng 13 at Jules Samonte na nagdagdag naman ng 11 para sa Lady Eagles.

Maganda rin ang laro ni Deanna Wong na nagsumite ng 50 excellent sets sa kanilang huling laro

“Our main goal is to reach the Final Four. Ma­laking tulong yung panalo namin dahil tumataas yung confidence namin and we’re hoping na magtuluy-tuloy pa ito para makuha namin yung goal namin,” ani Madayag.

Subalit mataas din ang moral ng Adamson na buhat sa matikas na pagpapabagsak sa NU, 25-19, 25-15, 18-25, 25-13.

“Every game is important for us to get to the Final Four.  We need to play consistent volleyball,” ani Adamson mentor Airess Padda.

Aasahan ng Lady Falcons si skipper Jema Galanza gayundin ang beteranong sina Mylene Paat, Christine Soyud at Joy Dacoron kasama si playmaker Fenela Emnas.

Nagpako si Galanza ng 16 puntos laban sa NU  sa huling laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with