^

PSN Palaro

La Salle didikit sa Semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon (The Arena)

2pm FEU vs UP

4pm DLSU vs UE

MANILA, Philippines — Lalapit sa unang Final Four slot ang nagdedepensang De La Salle University sa pagharap nito sa University of the East  sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Lady Spikers at Lady Warriors sa alas-4 ng hapon habang aarangkada ang salpukan ng Far Eas­tern University at University of the Philippines sa unang laro sa alas-2.

Namamayagpag ang La Salle sa unahan ng standings tangan ang 8-2 rekord kung saan dalawang panalo na lamang ang kailangan nito upang maipormalisa ang pagpasok sa semis.

Nasa ikalawa ang A­teneo bitbit ang 7-3 marka kasunod ang FEU at National University na may parehong 6-4 baraha.

Naghahabol din sa Final  Four ang Adamson (5-5), UP (3-7) at University of Santo Tomas (3-7) habang nais ng UE na magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang kampanya hawak ang 2-8 baraha.

Maganda ang itinatakbo ng laro ng La Salle partikular na ang mga beteranong manlalaro nito sa pangunguna ni reigning MVP Majoy Baron.

“Meron pa rin naman kaming mga lapses na kailangang tutukan at i-improve namin sa mga next games namin. We know we can do better (than our previous games),” wika ni Baron.

Malaki rin ang kontribusyon nina Finals MVP awardees Kim Kianna Dy at Desiree Cheng gayundin sina Tin Tiamzon at Aduke Ogunsanya.

Kailangan lang na ma­ging consistent sina setter Michelle Cobb na madalas pinapalitan sa ilang krusyal na sandali ng laro. Isa rin sa aasahan ng La Salle si season libero Dawn Macandili.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang Lady Warriors na determinadong bigyan ng magandang laban ang Lady Spikers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with