^

PSN Palaro

Hotshots sa Game 1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(MOA Arena)

6:30 p.m. San Miguel vs Magnolia (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Magnolia ang kanilang matibay na puso matapos bumangon mula sa 20-point deficit sa third period para resbakan ang nagdedepensang San Miguel, 105-103 sa Game One ng 2018 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Colsieum.

Humakot si Ian Sangalang ng 21 points at 9 rebounds para ibigay sa Hotshots ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Magnolia matapos kunin ang game Five at Six ng kanilang best-of-seven semifinals wars ng NLEX.

Kinuha ng San Miguel ang 72-52 sa walong minuto ng third period bago naagaw ng tropa ni Chito Victolero ang 105-103 abante sa huling 15 segundo mula sa dalawang free throws ni Sangalang.

Samantala, bumabandera ang Barangay Ginebra guard na si Scottie Thompson sa fans voting para sa 2018 PBA All-Star.

Didribol ang 2018 All-Star Week sa Mayo 23 hanggang 27 sa Davao del Sur, Batangas at Iloilo kung saan lalabanan ng Gilas Pilipinas ang selection team na kakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kumolekta ang third year guard na si Thompson ng 33,068 votes para tuma­yong  No. 1 sa Min­da­nao selection. 

vuukle comment

HOTSHOTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with