^

PSN Palaro

Bulacan Kuyas, Muntilupa angat na

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Valenzuela Astrodome, Valenzuela City )

7 p.m.  Batangas vs Bataan

9 p.m. Valenzuela vs QC

MANILA, Philippines — Umiskor ng confe­rence high 24 puntos si Stephen Siruma para i­angat ang Bulacan Kuyas sa 83-73 panalo laban sa Para­ñaque Patriots at pangunahan ang best-of-three quarterfinal series, 1-0 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League-Anta Rajah Cup sa Bulacan Provincial Capitol Gymnasium.

Bukod sa kanyang 9-of-12 shooting sa field goal kabilang na ang apat na triples, gumawa si Siruma ng walong assists at anim na rebounds para lumapit ang Bulacan sa isang hakbang tungo sa best-of-three semifinal round.

Nagtayo ang Bulacan Kuyas ng 75-59 bentahe mahigit 3:30 na lang ang natitira sa ikaapat na yugto na ginamit nilang kalasag sa huling rally  ng Patriots.

Sa pangunguna ni Juneric Ba­loria naibaba ng Parañaque ang agwat sa limang puntos na lamang, 70-75 may 1:17 pa ang nalalabi sa laro.

Pero, muling nagpa­ulan ng back-to-back bas­ket si Jovit de la Cruz upang ilayo ang Bulacan sa mas ligtas na distansya.

Sa iba pang laro, hindi rin nagpahuli ang Muntinlupa Cagers at sa likod ng 19 puntos nina Chito Jaime at 15 kay Felix Apreku nakuha nila ang 83-77 panalo kontra sa Navotas Clutch sa Game 1 ng kanilang best-of-three series.

Ang Muntinlupa ay nakakuha rin ng tulong mula kay Allan Mangahas sa kanyang 14 puntos para sa 1-0 lead sa serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with