^

PSN Palaro

Bustamante, Pagulayan sa semis na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na pagtumbok nina dating world champions Francisco Bustamante at Alex Pagulayan upang umabante sa semifinals ng 2018 Scotty Townsend Memorial One-Pocket Tournament na ginaganap sa Arena Billiards West Monroe sa Los Angeles, California.

Iginupo ni 2010 World 9-Ball Championship winner Bustamante si Danny Smith sa bisa ng 4-2 panalo habang namayani naman si 2004 World 9-Ball Championship titlist Pagulayan laban kay Tony Chohan sa hiwalay na laban sa pamamagitan ng 4-1 desisyon.

Maghaharap sina Bustamante at Pagulayan sa semifinals ng winners’ column kung saan ang magwawagi ang unang makasusungkit ng tiket sa championship round.

Ang matatalo naman ay malalaglag sa one-loss side kung saan kailangan nitong maipanalo ang kanyang mga susunod na laban kabilang na ang krusyal na losers’ bracket semifinal stage.

Sa kabilang banda, nagtala si 2006 World 9-Ball champion Ronnie Alcano ng dalawang sunod na panalo sa losers’ column upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa US Open Bank Pool Championships na ginaganap naman sa Griffs Hall sa Las Vegas, Nevada.

Pinataob ni Alcano si Harry Platis sa iskor na 4-3 kasunod ang pagpapa­talsik sa kababayang si Warren Kiamco sa pamamagitan ng parehong 4-3 panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with