^

PSN Palaro

Falcons sumosyo sa liderato

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes (Ynares Sports Arena, Pasig City)

12nn Batangas-EAC  vs Che’Lu Bar    

2 p.m. AMA Online  vs    JRU

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Akari-Adamson ang University of Perpetual Help, 101-83 upang makisosyo sa liderato sa pagpapatuloy kahapon ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dahil sa panalo, nagsama ang Akari-Adamson at Centro Escolar University   sa top spot ng standing sa parehong 8-2 win-loss card.

Matapos dumikit ang Altas, 67-70 sa ikatlong yugto, nagpaulan ng 8-0 run sina Papi Sarr at Sean Manganti para maiangat ang agwat ng Falcons sa sampung puntos, 84-74 tungo sa malaking panalo.

Nakumpleto ni Sarr ang three-point play para sa 87-76 bentahe  at  mula rito hindi na nila pinakawalan pa ang kalamangan hanggang matapos ang laro.

Buynga ng kabiguan bu­maba ang koponan ni coach Frankie Lim sa 3-6 win-loss slate.

Umani si Sarr ng 16 puntos na may kasamang anim na rebounds habang si Manganti ay tumulong ng 14 puntos, siyam na rebounds, pitong assists at tatlong steals para sa Falcons.

Kung manalo pa ang Akari Falcons sa huli nilang laro laban sa Jose Rizal University sa Abril 5, didiretso sila sa  semifinals.

 Sa iba pang laro, nagwagi ang Zark’s Burger-Lyceum kontra sa Jose Rizal University, 91-81 para manatili ang tsansa na makapasok sa playoff round.

Sumadsad ang  Heavy Bombers sa ilalim ng standing sa 1-8 win-loss slate.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with