Puwestuhan na
Generika vs Cignal; Foton kontra sta. Lucia
MANILA, Philippines — Apat na koponan ang magbabakbakan para sa puwestuhan sa second round sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Unang masisilayan ang bakbakan ng Generika-Ayala at Cignal sa alas-4:15 kasunod ang duwelo ng two-time champion Foton at Sta. Lucia sa alas-7 ng gabi.
Pormal nang nakuha ng Petron (7-0) at nagdedepensang F2 Logistics (6-1) ang unang dalawang puwesto sa first round ng eliminasyon kaya’t maiiwan sa Cocolife (4-3), Sta. Lucia (3-3), Cignal (3-3), Foton (2-4) at Generika-Ayala (1-5) ang puwestuhan para sa second round.
Awtomatiko nang nasa ikawalo ang Smart Prepaid na walang naipanalo sa pitong laro.
Base sa format ng liga, ang No. 1, No. 2, No. 6 at No. 8 ang mapapasama sa Pool A habang sa Pool B mapupunta ang No. 2, No. 4, No. 5 at No. 7.
Para kay Sta. Lucia head coach George Pascua, hindi mahalaga kung saan napunta ang kanyang bataan dahil parehong malakas ang Petron at F2 Logistics.
“You really can’t choose between Petron and F2 Logistics. Both of them are very tough teams. A very convincing win would surely be a major morale-booster for us entering the second round. That’s what we want to achieve. We want to finish the first round on a very strong note,” ani Pascua.
Mas importante aniya na makapaglaro ng maganda ang Lady Realtors upang madala nito ang magandang momento sa second round.
“Foton is a very tall team. We have to work double time to break their blocking and come up with strong services to take away their first ball. It’s going to be an exciting match, that’s for sure,” dagdag pa ni Pascua na aasahan sina Bohdana Anisova, Marisa Field at MJ Philips para tapatan ang Foton.
Galing ang Tornadoes sa four-set loss sa kamay ng Cargo Movers.
- Latest