^

PSN Palaro

James inukit ang ika-71 triple-double

Pilipino Star Ngayon
James inukit ang ika-71 triple-double

Pilit na inaagawan ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks si LeBron James ng Cavs sa aksyong ito.

CLEVELAND — Humataw si LeBron James ng 40 points bilang bahagi ng kanyang ikatlong triple-double sa huling apat na laro para pamunuan ang Cavaliers sa 124-117 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

Naglaro ang Cleveland na wala si head coach Tyronn Lue, nagsumite ng leave of absence dahil sa isyu sa kanyang kalusugan.

“If it’s not one thing, it’s another,” sabi ni James, kinumpleto ang kanyang ika-16 triple-double ngayong season at pang-71 sa kabuuan mula sa itinala niyang 12 rebounds at 10 assists.

Sinabi ni Lue na madalas sumakit ang kanyang dibdib bukod pa sa hirap sa pagtulog niya.

Si associate head coach Larry Drew ang pansamantalang sumalo sa naiwang trabaho ni Lue.

Bumalik naman sa aksyon si Cavaliers forward Kevin Love matapos ang anim na linggong pamamahinga dahil sa broken left hand.

Tumapos ang All-Star forward na may 18 points sa loob ng 25 minutong paglalaro.

Sa Miami, naglista si James Johnson ng career-high 31 points at nagdagdag si Kelly Olynyk ng 30 markers mula sa bench para tulungan ang Heat na magtala ng franchise single-game scoring record sa 149-141 double overtime win laban sa Denver Nuggets.

“There didn’t deserve to be a loser,” sabi ni Fil-American coach Erik Spoelstra ng Heat matapos ang tatlong oras na laro. Si Olynyk ang naging ikalawang reserve pla­yer sa Heat history na umiskor ng 30 points.

Nag-ambag si Wayne Ellington ng 23 points para sa Miami na kumonekta ng 20 three-pointers-- ang second-most sa franchise history.

Walang nailabas na official boxscore matapos ang laro dahil nasira ang system sa first overtime at nagkagulo ang mga opisyal para madetermina ang official numbers bago tumunog ang final buzzer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with