^

PSN Palaro

Oranza paboritong maka-back-2-back

Pilipino Star Ngayon
Oranza paboritong maka-back-2-back

Hawak ni Ronald Oranza  ng Navy-Standard Insu­rance ang kanyang  trophy at premyong P1 milyon  tseke  makaraang maghari sa Ronda Pilipinas 2018 na inihahandog ng LBC sa awarding ceremony sa The Tent sa Filinvest, Alabang noong Linggo. Nasa larawan din sina  (mula kaliwa) Ronda race director Jingo Hervas, Boy Kanin at MB Flavored Rice Foods Corp. Vice President Fe Callao at LBC Express, Inc. CMO Javy Mantecon.

MANILA, Philippines — Matapos makuha ang kanyang kauna-unahang korona sa Ronda Pilipinas ay gusto naman ni Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance na makahanay sina teammate Jan Paul Morales at Santy Barnachea ng Team Franzia bilang two-time champions.

Ito ay sa pagpadyak ng LBC-bankrolled race sa Visayas at Mindanao sa susunod na taon.

“Gagawin ko ang lahat para manalo ulit ako next year,” sabi ng 25-anyos na si Oranza matapos ang pormal na pag-angkin sa Ronda crown sa Stage 12 criterium noong Linggo sa Filinvest, Alabang.

Plano ng tubong Villasis, Pangasinan na magpahinga ng ilang linggo bago bumalik sa training bilang pagha­handa sa darating na Phl National Games sa susunod na buwan sa Cebu City at sa Le Tour sa Mayo.

Ngayon pa lamang ay paborito na si Oranza na ma­ging back-to-back champion ng 2019 Ronda Pilipinas.

Matapos ang 12 stages ay naglista si Oranza ng aggregate time na 34 oras, 11 minuto at 23 segundo kasunod si Morales.

Nagsimulang kumilos si Oranza sa Vigan-Pagudpud Stage Two na kanyang pinagharian bago magtala ng malaking bentahe sa karera na tinampukan ng kanyang tatlong lap wins.

Ibinulsa ni Oranza ang premyong P1 milyon at P300,000 halaga ng Boy Kanin franchise bukod pa ang tropeong idinisenyo ni architect Quin Baterna.

May bahagi rin siya sa napanalunang P150,000 ng mga Navymen sa team event.

Samantala, kinumpirma ni Ronda executive project director Moe Chulani kay LBC Ronda big boss Dino Araneta ang pagdayo ng karera sa Visayas at Mindanao kung saan ang Stage One ay nakatakda sa Davao sa susunod na taon.

“Yes, we will return to the Visayas and Mindanao next year and we’ll start in Davao City,” wika ni Chulani sa awarding ceremony sa The Tent sa Filinvest, Alabang noong Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with