^

PSN Palaro

F2 logistics may misyon sa Generika

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Target ng nagdedepensang F2 Logistics na magarbong tapusin ang kampanya nito sa first round sa pakikipagtipan sa Generika-Ayala ngayong araw sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Puntirya ng Cargo Mo­vers ang ikaanim na panalo upang pormal na makuha ang No. 2 seed sa first round.

Magpapang-abot ang F2 Logistics at Generika-Ayala sa alas-7 ng gabi.

Nais naman ng Smart na makuha ang unang panalo sa pagharap nito sa Sta. Lucia Realty sa alas-4:15 ng hapon.

Winalis ng powerhouse Petron ang kanilang pitong asignatura sa eliminasyon para mahablot ang top seeding. Nakabuntot naman sa ikalawang posis­yon ang F2 Logistics na may 5-1 kartada.

Wala pang linaw ang magiging pinal na puwesto ng Cocolife, Cignal, Sta. Lucia, Foton at Generika-Ayala na madedetermina sa huling dalawang araw ng first round.

Sa kabila ng magandang inilalaro ng kanyang bataan, nais ni F2 Logistics coach Arnold Laniog na huwag maging kampante lalo pa’t papasok na ang liga sa krusyal na estado.

“One game at a time. All teams are equally tough. Every team is capable of springing a surprise. That’s why we have to watch the videos, go back to the dra­wing board and carefully plot our game plan,” ani Laniog.

Sasandalan ng Cargo Movers sina reigning MVP Maria Jose Perez ng Ve­nezuela at Kennedy Bryan ng Amerika kasama sina Cha Cruz, Aby Maraño, Maria Lourdes Clemente at setter Kim Fajardo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with