^

PSN Palaro

Lady Spikers ‘di natibag sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabangon ang nagdedepensang De La Salle University upang kubrahin ang pahirapang 25-17, 21-25, 16-25, 25-20, 15-5 panalo laban sa Far Eastern University para mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa UAAP Season 80 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinatunayan ni Majoy Baron na siya ang reigning MVP nang magpasabog ito ng 18 puntos mula sa 10 attacks, limang aces at tatlong blocks para buhatin ang Lady Spikers sa 8-2 baraha

“Medyo nahirapan kami sa service receive dahil maganda rin ang services ng FEU. Bumaba rin yung confidence namin sa fourth set. Pero Sinabi ko lang sa teammates ko na hindi pa tapos ang laban, kailangan naming ilabas yung cha­racter namin as a team,” wika ni Baron.

Bagsak sa 1-2 set ang La Salle ngunit agad nitong inilatag ang matikas na depensa sa likod ni Baron kasabay ng mauutak na ball placements mula kina Desiree Cheng at Kim Kianna Dy upang maipu­wersa ang deciding fifth set.

Lumabas ang malalim na karanasan ng Lady Spikers sa huling yugto matapos pamunuan ni Cheng ang opensa habang makailang ulit nagmintis ang Lady Tamaraws sa attack line para sa 5-0 kalamangan.

Napalawig pa ito ng La Salle sa 9-4 na tinuldukan ng isang quick play ni Baron at block ni Tin Tiamzon na siyang naging tulay upang tuluyang angkinin ng Taft-based squad ang panalo.

Nahulog ang Lady Ta­maraws sa No. 4 spot hawak ang 6-4 kartada.

Sa unang laro, kumapit ng husto ang Adamson University bago itakas ang 19-25, 25-11, 16-25, 25-16, 15-12 panalo laban sa University of the East.

Nasandalan ng Lady Falcons si Jema Galanza na kumolekta ng 22 puntos kabilang ang 18 attacks habang nagdagdag si My­lene Paat ng 18 markers tampok ang game-winning kill sa fifth set.

Nagsanib-puwersa sina Christine Joy Soyud at Mary Joy Dacoron ca pagbuo ng pinagsamang 21 puntos para sa Lady Falcons na umangat sa 4-5 marka.

 Sa men’s division, nailusot ng National University ang 26-24, 25-19, 20-25, 28-26 panalo laban sa La Salle upang masungkit  ang unang tiket sa Final Four.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with