^

PSN Palaro

Aldridge pinalakas ang tsansa ng Spurs

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO-- Du­mi­retso ang Spurs sa ka­nilang ikatlong sunod na panalo para palakasin ang tsansang makapasok sa NBA Playoffs.

Humakot si center LaMarcus Aldridge ng 39 points at 10 rebounds para tulungan ang San Antonio na gibain ang Minnesota Timberwolves 117-101.

Limang araw matapos bumagsak sa No. 10 at nawala sa playoff position, nanatili ang Spurs sa No. 7 sa Western Conference at pinantayan ang 40-30 record ng Timberwolves at Utah Jazz.

Nagtala naman si Karl-Anthony Towns ng 23 points at 9 rebounds sa panig ng Minnesota, nahulog sa No. 6 sa West sa likod ng Jazz.

Naipatalo ng Spurs ang tatlong sunod at siyam sa kanilang 11 laro at ngayon ay sumasakay sa three-game winning streak.

Sa Chicago, kumolekta si LeBron James ng triple-double habang isinalpak ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ang tiebreaking four-point play sa huiling 1:27 minuto ng fourth period para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa 114-109 panalo laban sa Bulls.

Naglista si James ng 33 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-15 triple-double nga­yong season at nagdagdag si Jeff Green ng 21 points.

Tumipa naman si Clarkson ng 19 points para sa ikatlong panalo ng Ca­valiers sa huling anim na laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with