^

PSN Palaro

Scratchers, Jawbreakers bakbakan sa ika-5 panalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa target ng Go for Gold at Zark’s Bur­ger-Lyceum ang ika-limang panalo sa kanilang paghaharap ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym, Cubao,

Tangan ng Jawbreakers ang 4-4 win-loss kartada habang ang  Scratchers ay hindi malayo sa kanilang 4-5 slate kung saan nakatakda ang kanilang laban sa alas-2 ng hapon.

Galing sa tatlong sunod na kabiguan ang Jaw­breakers, ang huli ay sa kontrobersyal na pagkatalo sa Gamboa Coffee, 107-106 noong Martes kung naipanalo ng Coffee Lo­vers ang laro sa pamamagitan ng technical free throw pagkatapos tumawag ng excessive time out si Jaycee Marcelino ng Zark’s Burger mahigit .09 segundo na lang ang nalalabi.

“We will continue to play the right way. It might not guarantee  a win for us, but it will surely make us a better team,” sabi ni Zark’s coach Topex Robinson.

Inaasahan din ng Go for Gold sina Paul Desiderio ng UP Maroons, J-Jay Alejandro at ang beteranong si Jerwin Gaco kaya malakas ang loob ng Scratchers na makapasok sa playoff round sa kabila ng kabiguang nalasap sa kamay ng Wangs-Letran, 88-91 noong Lunes.

“Laban lang ng laban kami. Kung may chance pa, kukunin namin ‘yun talaga,” sabi ni Desiderio.

Sa ibang laro, asam ng University of Perpetual Help ang ikatlong panalo laban  sa AMA Online Education sa alas-12 ng tanghali.

Hangad ng Altas ni coach Frankie Lim at ng Titans ang panalo para manatiling buhay ang pag-asa na pumasok sa susunod na round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with