^

PSN Palaro

Wala nang kawala kay Oranza

Pilipino Star Ngayon
Wala nang kawala kay Oranza

Ang overall leader na si Ronald Oranza ng Philippine Navy-Standard Insurance. Ernie Peñaredondo

CALACA, Batangas, Philippines — Dumiretso si Junrey Navara ng Navy-Standard Insurance sa pag-angkin sa kanyang ikalawang sunod na lap victory matapos bumandera sa 92.72km Stage 11 at putungan ang sarili bilang King of the Mountain habang tuluyan nang makukuha ni teammate Ronald Oranza ang korona ng Ronda Pilipinas 2018 na inihahandog ng LBC.

Nagsumite ang 26-an­yos na si Navara ng oras na 2:28:13 para isunod sa nauna niyang paghahari sa Tagaytay-Calaca Stage 10 noong Sabado para ibulsa ang kanyang ikaapat na KOM title at umangat sa No. 3 sa overall individual race.

Sumegunda naman si Oranza sa kanyang tiyempong 2:28:13 at patuloy na solohin ang pangu­nguna sa overall classification mula sa kanyang aggregate time na 32:43:13.

Pormal na isusuot ni Oranza ang kanyang kauna-unahang Ronda crown sa pagbitaw ngayon sa Stage 12 criterium sa Filinvest, Alabang.

“Nararamdaman ko na,” sabi ng 25-anyos na tubong  Villasis, Panga­sinan na nanguna sa Vigan Stage One criterium, sa Vigan-Pagudpud Stage Two at sa Tarlac Stage Seven Individual Time Trial.

Nakatakdang ibulsa ni Oranza ang premyong P1 milyon at ang P300,000 halaga ng Boy Kanin franchise.

Nagtala naman si Morales, ang back-to-back champion, ng oras na 32:54:49 at nakakuha ng Petron Sprint King 104 points. Mula naman sa pagiging No. 3 ay bumagsak sa No. 4 si George Oconer ng Go for Gold sa kanyang oras na 33:10:00.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with