Ateneo binawian ang NU
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon (The Arena)

2pm ADU vs UE

4pm DLSU vs FEU

MANILA, Philippines — Naitarak ng Ateneo  ang 25-22, 25-16, 25-17 pagresbak laban sa National University upang maikonekta ang kanilang ikaanim na panalo kahapon sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinatunayan ni team captain Maddie Madayag ang pagiging lider nito matapos dagitin ang 13 puntos mula sa anim na attacks, anim na aces at isang block habang umariba rin sina Jhoanna Maraguinot, Bea De Leon at Season 79 Rookie of the Year awardee Jules Samonte para sa Lady Eagles.

Dahil dito, naipuwersa ng Ateneo ang three-way tie sa No. 2 spot kasama ang NU at Far Eastern University hawak ang magkakatulad na 6-3 baraha.

Nasa unahan ng stan­dings ang nagdedepensang De La Salle University na may 7-2 kartada.

Ang panalo rin ang nagsilbing matamis na paghihiganti ng Lady Eagles sa kanilang tinamong 19-25, 19-25, 25-20, 25-12, 7-15 kabiguan sa Lady Bulldogs sa first round.

Sa unang laro, pinutol ng UST ang five-game losing streak nito matapos gapiin ang University of the Philippines, 19-25, 30-28, 25-20, 25-16.

Nanguna sa atake ng Tigresses si Cherry Ann Rondina na nagrehistro ng 25 puntos habang nagdagdag naman si Filipino-Italian Milena Alessandrini ng 20 puntos.

Pareho nang may 3-7 marka ang Tigresses at Lady Maroons.

Sa men’s division, nagtala ng tig-17 puntos sina Jude Garcia at Redjohn Paler para tulungan ang Far Eastern University na pagbagsakin ang nagdedepensang Ateneo, 25-27, 25-23, 25-20, 21-25, 16-14 upang umangat sa 7-2 rekord.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with