^

PSN Palaro

Tatapusin na ng san Miguel

Pilipino Star Ngayon
Tatapusin na ng san Miguel

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

6:30pm SMB vs Ginebra

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang San Miguel Beer na maipormalisa ang pag-entra nito sa finals sa pagharap sa Barangay Ginebra ngayong gabi sa Game 5 ng PBA Season 43 Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Beermen at Gin Kings sa alas-6:30.

Hawak ng Beermen ang 3-1 bentahe sa best-of-seven semifinal series.

Nakalapit sa final slot ang SMB matapos kubrahin ang impresibong 102-81 demolisyon sa Ginebra noong Huwebes kung saan umariba ng husto si Marcio Lassiter na nagrehistro ng 23 puntos, anim na assists at apat na rebounds.

Naramdaman din si four-time MVP June Mar Fajardo na may double-double na 14 markers at 13 boards sa balanseng atake ng Beermen.

Tatlo pang manlalaro ng SMB ang nagtala ng double figures--sina Alex Cabagnot (19 points), Arwind Santos (16 points) at Chris Ross (11 points) na lubos na nagpahirap sa Gin Kings.

“Energy was the big factor in Game 4 and we were able to negate whatever they do. Their three big men went to early foul trouble and that is the key,” wika ni Beermen mentor Leo Austria na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan noong ding Huwebes.

Malaki ang bentahe ng Beermen lalo na sa shaded area.

Nagawa nitong maka­kuha ng 40 puntos sa paint kasama pa ang 48 rebounds kumpara sa 39 boards ng Gin Kings.

Lamang na lamang din ang SMB sa assists (29-24), steals (13-11) at blocks (3-1).

Kaya’t asahan ang parehong intensity ng Beermen ngayong araw upang tuluyan nang tuldukan ang paghahabol ng Gin Kings at masungkit ang unang silya sa finals.

Halimaw ang inilabas na laro ni Japeth Aguilar na bumanat ng 31 puntos at 13 boards gayundin si LA Tenorio na kumamada ng 20 puntos, tatlong assists at isang rebounds para sa Gin Kings.

Ngunit bigong makakuha ng sapat na suporta sina Aguilar at Tenorio sa kanilang mga katropa.

Nalimitahan lamang sa siyam na puntos si Jervy Cruz at  lima naman buhat kay Sol Mercado.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with