^

PSN Palaro

Valenzuela Classics isinalba ni Javillonar

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Muntinlupa City Sports Complex)

7 p.m. Bataan  vs Bulacan             

9 p.m. Muntinlupa vs  Imus    

MANILA, Philippines —  Sumandal ang Valenzuela Classics sa limang pressure-packed free throws ni Jeff Javillonar upang maka-eskapo laban sa Quezon City Capitals, 84-79 sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup noong Huwebes ng gabi sa Valenzuela City Astrodome.

Tabla ang iskor sa 79-79 nang mag-split si Javillonar mahigit 17 segundo na lang ang natitira at pagkatapos magmintis sa ikalawa nakuha naman ni Ford Ruaya ang rebound kaya balik na naman si Javillonar sa foul line para sa tatlong puntos na bentahe, 82-79 may 14 segundo na lang ang nalalabi.

Sa return play, nagmintis si Joco Tayongtong sa minadaling triples at muling bumalik si Javillonar sa charity lane para sa final score at maitala ang kanilang pang-anim na panalo sa siyam na laro.

Dahil sa magandang panalo na ikinatuwa sa jampacked pro-Valenzuela crowd, tinapos ng quarterfinal-bound Classics ni coach Chris Gavina  ang kanilang elimination round assignments sa solo se­cond spot sa likuran ng nangungunang Batangas Athletics na hawak ang 8-1 win-loss kartada.

Ang QC Capitals na­man ay bumaba sa sos­yohan sa pang-lima hanggang sa pang-anim na puwesto kasama ang Navotas Clutch sa parehong 5-4 record.

Umakyat naman ang Navotas Clutch sa pang-limang upuan bunga ngkanilang 78-74 panalo kontra sa Parañaque Patriots sa curtain raiser game.

Ang Patriots ay bu­magsak sa solo 7th place sa 4-5 card. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with