TOKYO -- Ipinakita ng mga tankers ang kanilang medalya kasama sina Phiippine Swimming League President Susan Papa, Secretary General Maria Susan Benasa at coach Alexander Papa at ang Filipino community. (Kuha ni Chris Co)

14 golds idinagdag ng PSL tankers sa pagtatapos ng Japan swimfest
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2018 - 12:00am

TOKYO -- Patuloy ang mainit na kampanya ng Philippine Swimming League (PSL) matapos magdagdag ng 14 gintong medalya sa 2018 Japan Age-Group Swimming Championship na ginanap sa St. Mary’s In­ternational School swimming pool dito.

Muling bumandera si Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Micaela Jasmine Mojdeh matapos wasakin ang dalawa pang area record sa girls’ 11-12 years old division.

Nagrehistro si Mojdeh ng 30.65 segundo sa 50-meter butterfly para burahin ang 31.30 marka na kaagad niyang sinundan ng isa pang record-breaking feat sa 100m Individual Medley tangan ang isang minuto at 11.44 segundo para tabunan ang lumang rekord na 1:12.78.

Nakumpleto naman ni Richelle Anne Callera ang ma­tamis na six-gold sweep sa girls’ 8-under kung saan sumisid siya ng tatlong ginto sa 50m backstroke, 50m freestyle at 50m butterfly event.

Nauna nang nagreyna si Callera sa 25m butterly, 100m IM at 25m freestyle.

Nag-ambag din ng dalawang ginto sina Aishel Cid Evangelista sa boys’ 8-under 25m backstroke at 50m butterfly at Coby Marcus Rivilla sa boys’ 9-10 100m backstroke at 100m freestyle, habang nakaginto si Trump Christian Luistro sa boys’ 9-10 50m breaststroke.

May apat na ginto rin ang mga PSL tankers sa medley relay mula sa girls’ 200m medley relay, girls’ 200m freestyle relay, boys’ 200m medley relay at boys’ 200m freestyle medley relay.

“It’s such an amazing performance by these young swimmers. We’re so proud of what they’ve achieved here. They competed against much taller rivals and yet they came up with record-breaking performance,” wika ni PSL President Susan Papa.

Nakahirit ng apat na pilak si Wisenheimer Academy Marc Bryan Dula sa boys’ 11-12 50m butterfly, 100m butterfly, 50m backstroke at 100m backstroke at naka­pilak rin sina Evangelista (50m backstroke), Rivilla (50m butterfly) at Luistro (50m butterfly).

Muling nagpasalamat si Papa sa Filipino community sa Japan sa pangunguna nina Myles Briones Beltran, Hi­roshi Katsumata, Arnel Punzalan, Lovely Ishii at Sachiko Ino­se sa pagtulong sa buong delegasyon ng PSL.

“We’re so thankful to the Filipino community here. Hindi nila kami pinabayaan mula umpisa hanggang sa huling araw. Malaki ang pasasalamat namin lalo na kina Myles Briones Beltran at Hiroshi Katsumata,” dagdag ni Papa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with