TOKYO -- Ipinagmalaki ni Philippine Swimming League (PSL) President Susan Papa ang tagumpay ni Micaela Jasmine Mojdeh na bumasag ng rekord sa open division sa girls’ 11-12 category.

Mojdeh 2 record ang binasag sa japan age-group meet
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2018 - 12:00am

PSL tankers humakot ng 11 gold medals

TOKYO — Umarang­ka­­da na ang Philippine Swimming League (PSL) nang sumisid ng 11 ginto, 10 pilak at tatlong tansong medalya tampok ang bagong record-breaking performance ni Micaela Jas­mine Mojdeh sa ikalawang araw ng 2018 Japan Age-Group Swimming Championship sa St. Mary’s International School swimming pool dito.

Inilabas ng Immaculate Heart of mary College-Pa­rañaque standout ang kanyang matikas na porma sa girls’ 11-12 100m butterfly nang magtala ng isang minuto at 6.86 segundo upang wasakin ang 1:07.85 rekord ni Japanese Hannah Kwamura sa open division noong 2013.

Binura rin ni Mojdeh ang area record ni Sim Mi­negishi ng Japan na 1:09.15 may 28 taon na ang nakalilipas.

Humataw pa ng dala­wang ginto si Mojdeh sa 100m breaststroke (1:08.96) at 200m Indivi­dual Medley (2:33.02) para ma­garbong simulan ang kanyang kampanya.

“It was a stunning per­for­mance from the amazing Jasmine Mojdeh, breaking the open and area records registered more than 20 years ago. We’re so elated with our swimmers’ sho­wing here and we’re expec­ting more in the coming event,” sabi ni PSL Pre­si­dent Susan Papa.

Nagpasiklab din si Ri­chelle Anne Callera nang mamayagpag sa girls’ 8-under -25m butterfly sa bilis na 17.52 segundo para pan­tayan ang rekord na 17.52 sa open division na pag-aari ni Ai Uchiyama no­ong 2008.

Nakasiguro rin ng ginto si Callera sa 100m IM (1:33.06) para maidagdag sa kanyang naunang ginto sa 25m freestyle event sa ope­ning day.

Humakot naman ng tat­long gintong medalya si Coby Marcus Rivera sa boys’ 9-10 200m IM (2:48.24), 100m butterfly (1:16.59) at 50m backstroke (36.26), habang nag­dagdag pa ng dalawang ginto si opening-day gold medalist Aishel Cid Evangelista sa boys’ 8-under 100m IM (1:25.28) at 25m butterfly (17.69), ga­yundin si Kiara Acierto sa girls’ 8-under 25m backstroke (22.20).

Nakahirit din ng pilak na medalya sina Wisenheimer Aca­demy tanker Marc Bryan Dula sa boys’ 11-12 100m butterfly (1:11.68) at 50m backstroke (34.42); Julia Ysabelle Basa sa girls’ 9-10 200m IM (3:04.91); Albren Jan Dayapdapan sa boys’ 13-14 200m breaststroke (2:33.79) at 100m backstroke (1:10.53); Triza Ta­bamo sa girls’ 9-10 50m freestyle (31.21) at 50m backstroke (36.53); Acierto sa 25m butterfly (19.62); at ang girls’ 200m crescendo medley relay (2:25.41) at boys’ 200m crescendo medley relay (2:07.09).

“We won’t be tired of ex­pressing our gratitude to the Filipino community here in Japan especially Myles Briones Beltran, Hi­roshi Katsumata, Arnel Pun­zalan, Lovely Ishii and Sa­chiko Inose for helping us. They’re are such a big help to us and we’re so thankful to them,” wika pa ni Papa sa mga taong tu­mutulong sa kanila.

Sa kabuuan ay mayroon nang 13 gold, 11 silver at 4 bronze medals ang PSL squad sa torneong ni­l­­ahukan ng Japan, China at iba’t ibang koponan mula sa Europa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with