Pacquiao-Horn rematch ‘di mangyayari
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t gusto ni Australian world welterweight champion Jeff Horn na muling ma­kalaban si Manny Pacquiao ay hindi na ito mangyayari.

“They had their opportunity; they could have come straight back and done the rematch. If you really thought you could do it, you would have done it then," wika ni Glenn Rushton, ang chief trainer ni Horn, sa panayam ng The Courier Mail.

Tinalo ni Horn (18-0-1, 11 KOs) si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Inagaw ng 29-anyos na si Horn ang suot na World Boxing Organization welterweight title ni Pacquiao na itataya ng Australian fighter kontra kay American mandatory challenger Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Noong Nobyembre ay tinanggihan ni Pacquiao ang iniaalok na rematch kay Horn dahil sa kanyang pagiging abala sa Senado.

“Realistically, as much as we’d welcome the fight, the chances of Manny Pacquiao fighting Jeff Horn again I think are slim to none,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang comeback fight ni Pacquiao laban kay dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa undercard ng Horn-Crawford championship bout.

Ngunit tinanggihan ito ng Senador.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng 39-anyos na si Pacquiao na isa kina WBA titlist Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) ng Argentina at Danny Garcia (34-1-0, 20 KOs) ang haharapin niya sa Mayo o Hunyo sa Malaysia.

“Definitely, Malaysia tayo lalaban, if not May, this coming June,” ani Pacquiao. “Mga third week of June, para hindi mag-conflict sa trabaho 'yung preparation.”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with