Hello Malaysia
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2018 - 12:00am

May announcement si Manny Pacquiao kahapon.

Sa June raw siya lalaban. Sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May dalawa raw na posibleng kalaban – si Lucas Matthysse ng Argentina o isang nagngangalang Garcia.

Hindi masiguro ni Pacquiao kung sinong Garcia ito. Baka si Danny Garcia o si Mikey Garcia na parehong pwede sa welterweight division at parehong Amerikano.

Pero kahit si Pacquiao mismo,  hindi masiguro kung sino sa kanilang dalawa.

Kung sinuman sa dalawa ay tsaka na natin problemahin. Ang importante ay nakapag-decide na si Pacquiao kung kailan at kung saan siya lalaban.

Sa akin lang, madali na ang kalaban.

Bakit nga ba napunta sa Malaysia si Pacquiao?

Ang haka-haka ay dahil daw sa problema niya sa tax sa Amerika. Mukhang umiiwas kay Uncle Sam.

Posible rin.

Ang sabi naman ng iba, hindi si Uncle Sam ang iniiwasan ni Pacquiao kundi si Uncle Bob – ang kanyang promoter.

Nainsulto raw si senator na gusto siyang ilagay ni Bob  Arum sa undercard ng laban ni Jeff Horn at Te­rence Crawford sa Las Vegas sa April.

Kaya ayun, humanap ng ibang lugar.

Nauwi sa Malaysia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with