^

PSN Palaro

Pacquiao sa undercard fight ni Horn: Insulto naman ‘yun

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao sa undercard fight ni Horn: Insulto naman �yun
Hindi pumayag si eight division champion Manny Pacquiao na ilagay lamang sa undercard ni Jeff Horn
OSMP/Wendell Alinea

MANILA, Philippines — Walang balak lumaban si Manny Pacquiao sa undercard ng tumalo sa kaniyang si Jeff Horn sa Amerika sa Abril.

Sinabi ni Pacquiao na lalaban na lamang siya sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan siya ang main attraction.

“Insulto naman ‘yun,” wika ni Pacquiao sa tinanggihan niyang alok ni Top Rank chief Bob Arum na ilagay siya sa undercard ng title defense ni Jeff Horn kontra Terence Crawford sa Las Vegas.

Kung matutuloy ang plano niya sa Kuala Lumpur ay ito ang magiging unang pagkakataon na lalaban si Pacquiao sa Malaysia na balak gawin sa Abril o Mayo.

Sinabi ng eight-division champion na kahit Marso na ngayon ay sapat ang kaniyang panahon upang makapagsanay.

“Hindi pa naman late. Puwede pa sa April or May. Pwede na ako mag-training,” patuloy niya.

Huling sumabak sa ring si Pacquiao noong Hulyo 2017 kung saan naagaw sa kaniya ni Horn ang WBO welterweight crown.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with