^

PSN Showbiz

Dedma sounds like demanda!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kalurky talaga si Imee Oro ng Las Vegas Tours and Travels dahil sige siya sa padala ng email tungkol sa susundo sa amin sa hotel at maghahatid sa grupo namin sa Incheon International Airport.

Parang wala lang sa kanya ang kahihiyan na inabot namin noong Biyernes sa NAIA dahil fake plane tickets ang ibinigay niya at wala kami sa listahan ng mga pasahero ng PAL flight sa South Korea.

I will deal with her kapag nakabalik na kami sa Pilipinas dahil ayokong masira ang Korean vacation namin nang dahil sa kanya.

Hindi puwedeng dedmahin ang ginawa ni Imee Oro dahil kailangang i-refund niya ang mga ibinayad namin. Teka, dedma sounds like demanda ‘di ba?

Yasmien magsisimula nang magturo ng tungkol sa HIV

Ngayong hapon ang pilot telecast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang adbokaserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, at Martin del Rosario.

Adbokaserye ang tawag sa bagong afternoon teleserye ng Kapuso Network dahil HIV positive victim ang role ni Yasmien.

Maraming impormasyon at aral ang matutunan sa kuwento ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka tulad ng hindi dapat layuan o iwasan ang mga HIV positive victim.

Hindi lahat ng HIV positive eh mahilig makipagtsugihan dahil marami sa kanila ang biktima ng mga karanasan at sitwasyon na hindi nila kagustuhan.

‘Yung karakter ni Yasmien, naging HIV positive dahil biktima siya ng rape ng isang mhin na promiscuous na ginagampanan ni Martin del Rosario.

Bidang-bida pero aping-api si Yasmien sa mga eksena niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil HIV positive na nga ang kanyang karakter, biktima pa ito ng pagmamaltrato nina Gina Alajar at Ina Feleo.

Mag-ina ang role ni Gina at Ina at ang dalawa ang magpapahirap kay Yasmien. Hindi talaga puwedeng mawalan ng kontrabida sa mga drama series dahil sila ang nagbibigay excitement sa kuwento na inapi at lumaban ang bida na hit na hit sa Pinoy audience.

Gladys namigay ng breast milk

Faithful member talaga si Gladys Reyes ng Iglesia Ni Cristo.

Kapag pumupunta sa mga probinsya o ibang bansa, ang simbahan ng INC ang unang hinahanap ni Gladys para makasamba ito at nangyari uli ito noong Sabado.

Bago siya bumiyahe sa Santa Fe, Bantayan Island, Cebu, nag-research na si Gladys sa lokal ng INC.

Biyernes nang dumating si Gladys sa Bantayan island at kinabukasan, sumamba siya sa INC pero siniguro muna niya na walang conflict sa taping ng Inday Will Always Love You.

Nakilala ni Gladys sa Santa Fe ang mga kapatid sa INC na tumulong sa kanya na maibigay ang stored breast milk niya sa mga nanay na taga-roon at may maliliit na anak na gatas ng ina ang iniinom.

Bantayan island puwedeng pamalit sa Bora

Gandang-ganda si Gladys at ang cast ng Inday Will Always Love you sa beach ng Santa Fe na unang napanood sa pelikula nina Will Devaughn at Roxanne Barcelo, ang I Found my Heart in Santa Fe.

Ang beach sa Bantayan island ang puwedeng dayuhin ng mga turista kapag pansamantala na isinara ang Boracay island.

Paradise para sa cast ng Inday Will Always Love You ang Bantayan island at wish nila, huwag maging biktima ng pang-aabuso at komersyalismo ang nasabing isla tulad ng nangyari sa Boracay na paulit-ulit na pinagsasamantalahan ng mga negosyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with