^

PSN Showbiz

Pamilya ni Edward gustung-gusto na si Maymay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ni Edward  gustung-gusto na si Maymay

Kamakailan ay magkasamang lumipad patungong Germany sina Maymay Entrata at Edward Barber para sa pictorial ng isang magazine. Mas naging malapit na sa isa’t isa sina Maymay at Edward pero hanggang ngayon ay hindi pa opis­yal na magkarelasyon.

“Ay! Hindi pa po. She’s my closest friend and I promised her, I’m sure everyone remembers it during PBB (Pinoy Big Brother), I promised her right after her grandfather passed away. I promised her that one day I’ll take her to Germany and ayun ‘yon,” nakangiting pahayag ni Edward.

Naipakilala na ng baguhang aktor si Maymay sa inang nakabase sa Germany at talagang inasikaso raw nito ang dalaga habang naroon. “Yes, she likes Maymay, very close. Kasi my whole family is very close to her. My dad is close to her, my sister and my mom. Sometimes I get jealous like I’m eating, ‘Oh Edward may cereal diyan,’ pero si Maymay, may feast, pero okay lang,” natatawang kuwento ng binata.

Pagkabalik sa Pilipinas nina Edward at Maymay ay kinailangan daw mag-diet ng aktres dahil talagang nakarami raw nang kain sa Germany. “Actually, at the end of our trip there, she doesn’t want to eat rice anymore,” pagtatapos ni Edward.

Angelica ginulat ni Carlo

Noong Sabado ay sinorpresa ni Carlo Aquino si Angelica Panganiban sa naging book launch ng aktres. Sumulpot ang binata na may dalang bulaklak para kay Angelica habang ini-interview ng press ang dalaga tungkol sa isinulat na librong Para Kay Ex.

Laking gulat ng aktres sa pagpunta ng binata upang suportahan siya sa nasabing book launch. “Hayop ka!” kinikilig na reaksyon ni Angelica kay Carlo.

Masayang-masaya ang aktres dahil sa pagsuporta ng mga tagahanga sa kanyang mga ‘hugot’ na isinulat sa nasabing libro. “Natutuwa naman ako na ganito pala ‘yung suporta, na nagma-matter pala sa kanila ‘yung opinyon ko, nakakataba ng puso,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Tinaguriang ‘Hugot Queen’ ang aktres dahil sa mga sinasabi nitong may kinalaman sa dating mga karelasyon. “Hindi naman ito pagpapapansin. Gusto kong maraming tao ang ma-touch na hindi porke’t nag-artista kami, nasa likod kami ng kamera ay iba na ‘yung takbo ng buhay namin. Pare-parehas tayong may pinagdadaanan, pwedeng masaktan, maloko at madapa. Pare-parehas din tayo na dapat ingatan ang sarili at kailangan tumayo tayo at lumaban,” paliwanag ni Angelica.

Mabibili na ang Para Kay Ex mula sa ABS-CBN Publishing  sa mga piling bookstore nationwide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with