Ang pagpapabagsak ni Donnie ‘Ahas’ Nietes kay Juan Carlos Reveco ng Argentina sa Round 7.
Philboxing.com
Nietes pinabagsak si Reveco sa round 7
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ito pa lamang ang unang pagkakataon na lumaban si Filipino world flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes sa United States.

At kaagad niyang pinabilib ang mga American fans.

Tinalo ni Nietes si dating two-division titlist at mandatory challenger Juan Carlos Reveco ng Argentina via se­venth-round knockout kahapon sa 'SuperFly 2' sa The Forum sa Inglewood, California.

“I’m very proud to defend my title in front of all the Fi­lipino fans here in Los Angeles,” sabi ng tubong Murcia, Neg­ros Occidental.

Hindi pa natatalo ang 35-anyos na si Nietes simula noong 2004.

Ito ang unang pagdedepensa ni Nietes (41-1-4, 23 KOs) sa kanyang International Boxing Federation fly­weight crown matapos talunin si Komgrich Nantapech ng Thailand via unanimous decision noong Abril ng na­karaang taon sa Ce­bu City.

Plano ni Nietes na umakyat sa super flyweight ca­tegory para makatapat si dating ‘pound-for-pound’ king Roman ‘Chocolatito’ Gonzales ng Nicaragua na da­lawang beses pinahiya ni Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand para sa World Boxing Council super flyweight title noong nakaraang taon.

Sa kanilang weigh-in ay nagkaroon ang 34-anyos na si Reveco (39-4-0, 19 KOs) ng problema sa kanyang timbang na posibleng naging epekto ng kanyang panghihina sa gabi ng laban nila ni Nietes.

Naging matibay ang depensa ni Nietes mula sa ope­ning bell hanggang sa fifth round kung saan niya ginamit ang kanyang matutulis na jabs laban kay Reveco.

Bago matapos ang sixth round ay nakakonekta si Nie­tes ng right hand na muntik magpabagsak kay Reveco.

Sa pagsisimula ng seventh round ay sumugod si Nie­tes at pinatumba si Reveco mula sa isang mabigat na left hand sa ulo.

Nakatayo si Reveco bago matapos sa pagbilang si Eddie Hernandez, Sr. ngunit inihagis na ng corner ng Ar­gentinian challanger ang towel sa huling 53 segundo.

Samantala, natalo si dating world champion Brian 'The Hawaiin Punch' Viloria (38-6-0, 23 KOs) kay Artem Da­lakian (16-0-0, 11 KOs) ng Ukraine via unanimous de­cision para sa bakanteng World Boxing Association flyweight belt.

DONNIE NIETES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with