Warriors bumawi sa OKC Thunder
OAKLAND, California — Nagsumite si Kevin Durant ng 28 points para tulungan ang Golden State Warriors na resbakan ang Oklahoma City Thunder, 112-80.
Nagdagdag si Stephen Curry ng 21 points, 9 rebounds, 6 assists at 3 steals para sa panalo ng Golden State, dinurog ng Oklahoma City noong Nobyembre
Kumolekta si Russell Westbrook na may 15 points, 12 rebounds at 7 assists sa panig ng Thunder, nabigong makaiskor ng 100 points sa unang pagkakataon sa kanilang huling limang laro.
Ang layup ni Durant' mula sa assist ni Curry ang nagbigay sa Wariors ng 75-66 abante sa huling 3:06 minuto sa third period na bahagi ng pinakawalang 37-11 atake.
Sa Salt Lake City, nagposte si Donovan Mitchell ng 25 points, 5 rebounds at 5 assists para tulungan ang Utah Jazz na pabagsakin ang Dallas Mavericks, 97-90.
Ito ang ika-12 panalo ng Jazz sa huli nilang 13 asignatura.
Nagdagdag si Derrick Favors ng 14 points para sa Utah (31-29), nauna nang naglista ng 11-game winning streak bago nakalasap ng 81-100 kabiguan sa Portland.
Sa Sacramento, humugot si Kentavious Caldwell-Pope ng 17 sa kanyang season-high na 34 points sa third quarter para ihatid ang Los Angeles Lakers sa 113-108 panalo kontra sa Kings at tinapos ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.
- Latest