^

PSN Palaro

Lady Falcons niyanig ang Lady Spikers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Falcons niyanig ang Lady Spikers

Simpleng hinatawan ni Celine Elaiza Domingo ng FEU ang depensa nina Ma Shaya Adorador at Roselle Baliton ng UE. Joey Mendoza

Laro Ngayon (The Arena)

2pm ADMU vs UP

4pm UST vs NU

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Adamson University ang nagdedepensang De La Salle University sa pamamagitan ng 25-18, 15-25, 25-19, 25-22 desisyon upang makopo ang kanilang ikatlong panalo kahapon sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kumayod ng husto si dating La Salle standout Christine Soyud nang pumalo ito ng 18 puntos buhat sa 13 attacks, tatlong blocks at dalawang aces para pamunuan ang Lady Falcons sa pagsulong sa 3-3 kartada.

Nakakuha ito ng solidong suporta mula kina Mylene Paat, Joy Dacoron, Chiara Permentilla at skipper Jema Galanza na siyang humataw ng game-winning cross court hit.

Nagawang makalikom ng atake ang Adamson sa likod ng magandang playmaking decisions ni setter Fenela Emnas.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Lady Spikers sa anim na laro.

Nauna nang tumupi ang La Salle sa nangungunang National University noong nakaraang linggo.

Sa unang laro, nagsa­nib-puwersa sina Bernadeth Pons at Celine Domingo para dalhin ang Far Eastern University sa 25-20, 25-17, 24-26, 25-21 panalo laban sa University of the East.

Humakot si Pons ng 21 puntos habang nagdagdag ng 19 markers si Domingo para sa Lady Tamaraws na sumulong sa 3-2 kartada.

Maganda naman ang suporta nina Chin-Chin Basas at Heather Guinoo na parehong may 12 puntos.

“Namigay pa kami ng puntos (out of our errors). Mahigit isang set ang i­bi­nigay namin kaya kaila­ngang ma-address agad namin yun,” ani  FEU coach George Pascua.

Tuluyang nalugmok sa ilalim ang Lady Warriors na lumasap ng ikaanim na sunod na kabiguan.

Malaking dagok ang tinamo ng UE volleyball teams matapos magbitiw sa puwesto sina women’s coach Francis Vicente at men’s mentor Sinfronio Acaylar.

Sa men’s division, nanaig ang FEU kontra UE, 25-15, 25-16, 25-22 para mapatatag ang kapit sa solong pamumuno tangan ang  5-0 rekord.

Iginupo naman ng La Salle ang Adamson, 25-20, 25-15, 24-26, 25-22  tungo sa 3-3 rekord.

Bagsak ang Soaring Falcons sa 1-5 habang wala pa ring panalo ang Red Warriors sa anim na pagsalang.

Related video

vuukle comment

LADY FALCONS

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with