^

PSN Palaro

Bonus swak sa Hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules(Mall of Asia Arena,Pasay City)

4:30 p.m. TNT Katropa vs NLEX

7 p.m. RoS vs San Miguel

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtapos sa kanilang apat na sunod na kamalasan sa mga out-of-town games ay tuluyan nang inangkin ng Magnolia ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

Kumawala ang Hotshots sa second quarter para patalsikin ang Meralco Bolts, 94-65  sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City.

Ang pang-walong panalo ng Magnolia ang nagbigay sa kanila ng ikalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa eight-team quarterfinals cast.

Nagwakas naman ang two-game winning run ng Meralco, tinalo ng Barangay Ginebra para sa korona ng 2017 PBA Go­vernor’s Cup, pati na ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinals.

Bumandera si combo guard Paul Lee sa kanyang tinapos na 21 points mula sa 12-of-17 fieldgoal shooting habang nagdag­dag sina Ian Sangalang at rookie Robbie Herndon ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa koponan ni head coach Chito Victolero.

Mula sa 22-22 pagkakatabla ay umarangkada ang Hotshots para itakbo ang 12-point lead, 44-32 sa halftime patungo sa pagpoposte ng 21-point advantage, 66-45  laban sa Bolts galing sa banked shot ni Bambam Gamalinda sa huling 1:43 minuto ng third period.

Lalo pang pinalaki ng Magnolia ang kanilang kalamangan sa 84-57 sa huling 4:26 minuto ng final canto para alisan ng pag-asang makahabol ang Meralco.

Magnolia 94 - Lee 21, Sangalang 12, Herndon 10, Melton 8, Simon 8, Barroca 7, Mendoza 5, Reavis 4, Pingris 4, Gamalinda 4, Brondial 4, Pascual 4, Dela Rosa 3.

Meralco 65 - Newsome 13, Sedurifa 10, Lanete 9, Caram 8, Ballesteros 6, Amer 5, Salva 4, Canaleta 4, Faundo 4, Hugnatan 2, Dillinger 0, Bono 0, Tolomia 0, Baracael 0.

Quarterscores: 20-15; 44-32; 68-48; 94-65.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with