^

PSN Palaro

Move-on na si Peping

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang araw matapos ang eleksiyon, tila tanggap na ni Peping Cojuangco ang kanyang pagkatalo kay Ricky Vargas.

Nakuha ni Vargas ang mayorya sa botong 24-15.

Inirerespeto naman ni Cojuangco ang naging desisyon ng POC members at nais nitong iwan ang organisasyong hinawakan niya ng mahigit isang dekada ng mapayapa.

“The majority has spoken and I leave it to that,” wika ni Cojuangco nang magpatawag ito ng press conference sa kanyang tahanan sa Makati.

Sinariwa ni Cojuangco ang ilan sa kanyang nagawa bilang POC chief kabilang na ang pagsungkit ng Pilipinas ng kauna-unahang overall title sa Southeast Asian Games noong 2005 na ginanap sa bansa.

Nilinaw ni Cojuangco na wala itong balak magsumite ng reklamo sa International Olympic Committee. Nais lamang nitong linawin sa Olympic governing body ang ilang bagay sa naganap na court-ordered election.

“How far the court goes as far as interfering to the programs, projects and constitution and by-laws of the POC? That’s all,” pagtatapos ni Cojuangco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with