^

PSN Showbiz

Aljur at Robin nagkapatawaran na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aljur at Robin nagkapatawaran na

Kylie, Robin, at Aljur

Kamakailan ay pormal nang namanhikan si Aljur Abrenica sa pamilya ng kasintahang si Kylie Padilla. Ngayon ay naayos na ang gusot sa pagitan ng ama ng aktres na si Robin Padilla at Aljur.

Ayon sa huli ay ngayon lamang daw niya nasaksihan ang kakaibang saya ni Kylie dahil sa pangyayari. “Masayahin si Kylie eh pero no’ng gabing ‘yon, doon ko lang nakita ‘yung gano’ng saya eh,” nakangiting kwento ni Aljur.

Masayang-masaya ang aktor dahil nagkausap at nagkapatawaran na rin sila ni Binoe. “Sinabi ko sa kanya ‘yung mga nangyari, ‘yung love story namin ni Kylie, kaya siguro naging Romeo and Juliet. Opo, humingi po siya ng paumanhin sa mga nangyari dati at kung bakit hindi niya kami masuportahan at naiintindihan namin kung bakit. Ang maibabahagi ko lang, ‘yung sinabi ko, ‘Tito Robin, pasensya na, ngayon lamang nangyari ito.’ Parang ang nangyari sa amin ni Tito Robin, para kaming naging magkaibigan eh, kuwentuhan eh. Pati siya may payo siya bilang isang ama, kung paano si Kylie sa kanya. Nakita ko kung gaano niya kamahal ‘yung anak niya,” pagdedetalye ni Aljur.

Sa ngayon ay pinaplano na ng magkasintahan ang kasal pero hindi pa makapagbibigay ng mga detalye tungkol dito.

Nathalie nahihirapang magkadyowa dahil sa paghuhubad

Marami ang napahanga ni Nathalie Hart sa pelikulang Sin Island na pinagbibidahan nila nina Xian Lim at Coleen Garcia.

Kahit nagpaseksi ang baguhang aktres sa nasabing proyekto ay ayaw naman daw ng dalaga na ipagpatuloy ito. “Well now I’m doing comedy and I’m so happy na I’m not sexy in that part. I’m doing another project na comedy rin. So I’m happy na I’m not really just that. Siguro dito lang ako nagsimula sa pagpapa-sexy pero lahat naman nagsisimula somewhere ‘di ba? In a way na parang doon lang ako nagsimula ulit para mapansin ako,” paliwanag ni Nathalie.

Walang kasintahan ang aktres ngayon at isang masaya­hing lalaki raw ang gusto nitong makarelasyon. “My ideal guy is very funny, has great sense of humor, very smart. He has to be educated. How they look like doesn’t bother me as long as mas matangkad sila sa akin and they have great sense of humor. Gusto ko joker ‘yung lalaki,” pagbabahagi ni Nathalie.

Umaasa ang dalaga na matatanggap ng lalaking magmamahal sa kanya ang pagiging sexy actress niya. “Sa mga nami-meet kong lalaki, it’s hard for them to understand my job. Sometimes it’s hard for me to find a proper partner kasi hindi nila matanggap ‘yung trabaho ko,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with