^

PSN Showbiz

Nora, Edu, at Gary sumali sa EDSA!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Nora, Edu, at Gary sumali sa EDSA!

Mark

Mark ‘di bawal makita si Piolo sa Kapamilya

SEEN: Sina Mark Bautista at Sam Concepcion ang special guests sa US tour ng This 15 Me, ang concert ni Sarah Geronimo sa April 21 at hanggang May 6, 2018 sa California, Las Vegas, Chicago at New York.

SCENE: Pinabulaanan ng isang ABS-CBN insider na banned si Mark Bautista na mag-guest sa mga programa ng Kapamilya Network dahil sa kanyang controversial autobiography book, ang Beyond the Mark pero hindi napapanood sa mga news program ng Channel 2 ang mga report tungkol sa libro ng singer-actor.

SEEN: Ginugunita ngayon ang 32nd anniversary ng EDSA revolution pero hindi na ito blockbuster. Marami sa mga artista na sumali sa rebolusyon noong 1986 ang wala nang gana na makilahok dahil naglaho na ang tunay na spirit ng EDSA revolution.

SCENE: Sina Nora Aunor, Edu Manzano, at Gary Valenciano ang ilan sa prominent showbiz personalities na namataan sa apat na araw na bloodless revolution sa EDSA noong February 1986.

SEEN: Magkasama sa unang pagkakataon sa isang teleserye ang mga anak ng legendary action stars na sina Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez, sina Lovi Poe at Renz Fernandez, ang mga artista ng The One That Got Away ng GMA 7.

SCENE: Si Coco Martin ang representative ng Ang Probinsyano sa Panagbenga Float Parade na magaganap ngayong umaga sa Baguio City.

SEEN: Mapapanood ngayong gabi sa SNBO ng GMA 7 ang second part ng R3.0, ang 30th anniversary concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena noong October 2017.

SCENE: Si Gabby Eigenmann, hindi si Gabby Concepcion na leading man niya sa Ika-6 Na Utos ang kapareha ni Sunshine Dizon sa Hu’s Da Boss, ang episode ngayong hapon ng Dear Uge, ang comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA 7.

SEEN: Pinuri ng mga film critic ang Sa Panahon ng Halimaw, ang halos apat na oras na pelikula ni Lav Diaz na ipinalabas sa 68th Berlin International Film Festival pero hindi ito ang klase ng sine na tatangkilikin at panonoorin ng mga Pinoy na pumupunta sa mga sinehan, ginagastos ang kanilang hard-earned money upang ma-entertain, hindi para mag-isip nang malalim at mabagot. #Reality.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with